Dati ang ugali lang ng tao ay suplada, antipatiko, masungit,mabait,atbp. At dahil in demand na talaga ito sa mga bibig ng mga tao, ngayon, meron nang ugaling PLASTIK. Ano nga ba ang ugaling plastik?
Ayon sa mga dalubhasa (hindi naman mga siyentipiko), ang ugali daw ng tao kung susumahin sa isang katauhan ay maihahambing sa isang payaso. Minsan masaya, malungkot, minsan naman parang wala lang at kadalasan parang wala sa katinuan. At kung susumahin sa isang salita, dahil madalas silang nakaharap sa madla, sila ay maituturing na plastik.
Plastik. Ito yung pag.gawa ng mga bagay na hindi mo naman talaga gustong gawin, o kaya naman ayaw naman talaga ng loob mo.. siguro resulta ito ng pagiging OA. Kapag nakita mong umiiyak ang hindi maxadong kagandahan mong kaibigan, (I really mean hindi maxado) sa isang tabi.. “ok lang yan, maganda ka kaya”, plastik. Nanghingi ang classmate mo ng papel at sinabihan mong wala ka ng papel pero meron pa pala sa bag mo, plastik. “ang kyut ng bago mong gupit” eh sa totoo para xang lampaso dun, plastik. “pare, ang galling mo, mas magaling ka pa sa akin”, hmmm.. medyo plastik na rin ito. “bagay kayo ng syota mo” (pero mas bagay kami) emo na plastik??.. lol.. ang mga ito ay mild lang ang dating.. katanggap.tanggap pa sa lipunan kumbaga..
Alam mo na yung pangalawa. Medyo masama na ang dating kasi alam mo sa loob mo na plastikan na talaga. Alam ko common to sa mga babae eh, yun bang. . “hello friend!.. kamusta??” pero sa likod nililibak mo na pala.. naku, usong uso ito sa mga eskwela. “Pare, masaya ako at ikaw ang napili ni Ma-an sa puso nya at hindi ako” –maglaslas ka na ngang plastik ka.. –joke. XD.
May positive din namang naidudulot ang pagiging plastik. Karamihan nga sa atin ginagawa ito para maiwasan ang anuman hindi pagkakaunawaan. Iwasan ang anumang comprontasyon at kung minsan, tamad ka lang talagang maglabas ng gusto mung ipahayag (dito ako belong eh.. hehe)
Hindi mo man aminin, minsan sa buhay mo naging plastik ka. Wag ka ng mag.deny, ako rin kaya. Hindi naman masama ang pagiging plastik, ang masama lang dito ay kung paano mo ito ginagawa at kung .. hmmm.. basta.. kung paano mo nagagawa.
Siguro hindi mo lang alam. Siguro alam mo na pero ayaw mo lang tanggapin. Siguro nga hustler ka na dyan eh. Siguro plastik ka para mukha kang mabait. Siguro plastik ka dahil gusto mong maghasik ng lagim. Siguro platik ka dahil plastik ang mga tao sa paligid mo. Siguro kyut ka sa pagiging plastik. Siguro relaxing ang planking. XD
Pag sinabing mong hindi ka plastik, plastik ka. Siguro naman nakuha mo ano’ng ibig kong sabihin. Lahat tayo plastik sa iba’t-ibang paraan. Kung baga, kung sino lang ang severe yun na ang napapansin talaga. Kaya wag kang OA manghusga sa taong plastik.. kasi bad yun XD.