Friday, October 7, 2011

AfterMath . . .


"Aftermath"... Napulot ko tong salitang ito kay "THE" Romeo Vasquez, CPA.. wala lang.. naisip ko lang.. Anyway, ang gusto ko lang eh ilista ang mga bagay na gusto kong gawin "after" ng SEMESTER na ito (1st sem. yr 2011 - 2012), dahil sa sobrang stress dulot ng Advance Acctg (hay naku sir bins, ikaw na), Law 2, Law 4 (salamat Atty. Bustamante.. iba ka talaga.. )at ang 1 unit na Synthesis 101 (ang sakit talaga sa brain 'neto, sir Bombeo, ikaw na bahala) na inenrol ko sa sem na ito. . nagagawa kong mag.isip ng mga bagay na alam kong ikasasaya ng puso't kaluluwa ko..
1. kakain ako ng masasarap... sa TAMANG ORAS!.. (lintik sa schedule kong 9am to 9pm)
2. lalabas lang ako ng bahay kapag bibili ako ng pagkain.
3. mag.aaral akong mag.DOTA (salamat kay Larrie sa pag.install nito sa unit ko), hindi lang para makapaglaro, kundi makipag.trash.talk na rin sa mga boys.
4. mag.tetetris kaming magbabarkada sa fb buong magdamag..
5. gagawa ako ng cool na articles para sa school pub namin (lit writer daw kasi ako.. shhh.. XD)
6. gugugol ako ng isa o limang araw at manonood ng mga softcopy dvds na kinopya ko kay nikki tiu .. (thanks niks.. :)) --baka walang ligo.an ito.. --aiyt!
7. makakapag-ipon ata ako at iibibili ko ng .... hmmmm... pagkain din??, ah basta may bibilhin ako.
8. at higit sa lahat... matutulog ako at gigising kung kailan ko gusto. !

sana matapos na ang next week! xD
(p.s. kapatid ko yan.. trip2 lang.. bwahaha)

No comments:

Post a Comment